Ang Matalino At Bobo Ay Pareho Poem by Paul Pruel

Ang Matalino At Bobo Ay Pareho

Mga mambabasa’t mga kaibigan
Huwag seryosohin ang aking ilalarawan
Bunga lang ito ng aking kalungkutan
Na aking nararanasan ngayon dito sa Kaharian…

Sabi ng iba, ang bobo sakit daw ng ulo
Ang matalino kaligayahan ng puso
Ang bobo limitado ang talino
Ang matalino madaling matuto…

Tawag sa bobo’y tanga, walang modo
Ang matalino’y madunong, mahusay makipagkapwa-tao
Ang bobo kung minsan pinung-pino ang paggalaw
Ang matalino kung minsan ang kilos ay magaslaw…

‘Pag nanligaw ang bobo iisa lang ang estilo
Ang matalino mambobola, simbolo ng pagiging palikero
Nguni’t sila’y parehong tao, nagmamahal at nasasaktan
Minsan biktima sila ng mapaglarong kapalaran…

Magkaiba man ang kanilang kaugalia’t pamamaraan
Pareho’y hangad ang mabuhay puno ng kasaganaan
Kapwa’y nangarap ng walang katapusang kaligayahan
Sa mundo na kani-kanilang ginagalawan…

At sa tuwing darating ang dapithapon
Pareho silang haharap sa Poon
Mga mata’y ipipikit, kakalimutan ang nakaraan
Pansamantalang iiwan ang mundong kanilang kinagisnan…

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Paul Pruel

Paul Pruel

Guiuan, Eastern Samar
Close
Error Success