Anino Poem by Grace Svensson

Anino

Andito na naman ako
Parang kanina lamang samyo mo ay naaamoy ko
Ilang taon na nga ba ng tayo ay huling nagtagpo
Kilala mo pa ba ako?
O sadya iyong tinatakasan nakaraan na tila ba kung nasaan
Oo, nagsinungaling ako.

Noong ikaw ay aking huling nasilayan
Sinambit mo pa na buong galak at salita ay binitiwan
At ikaw nawa ay patuloy sa paglaban
Ngunit parang isang multongandyan na naman
O Sige na tuluyan mo na Lang akong lalayuan
Oo, nagsinungaling ako

Namuhay, naglakbay, tumawa, lumaban at pati paghalakhak na tila walang hanggan
Isip ng hangin pilit na sinabayan
Pati malalagong bulaklak na namumukadkad sa daan
Buwan na maliwanag nais sundan
Ngunit tanging iyong sarili ang kasagutan
Oo, nagsinungaling ako.

Ngayon akin ng yayakapin pagkakamali na kahit sino ay kayang gawin
Ngunit mas higit sa sarili iyo ay pagyabungin
Ng mapaglabanan ang anumang pigil
Pasasaan ba at di rin masisiil
Kamtan ang kaluwalhatian na puno ng panggigigil
Oo, nagsinungaling ako.


Copyright Grace Svensson
December 11,2018

Tuesday, December 11, 2018
Topic(s) of this poem: fight,fighter,life,sad,sadness
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Grace Svensson

Grace Svensson

Philippines / Sweden
Close
Error Success