B I S Y U Poem by Hazelyn Usop

B I S Y U

Bawal na gamot ay dapat Iwasan
Hindi ito sagot sa problemang nais takasan
Bagamat maari itong maging daan sa yamang inaasam
Sukli nama’y kawalan ng kinabukasan ng ilang kabataan
Maaatim mo bang maging dahilan ng iyong kasakiman
Ang pagkasira ng utak at kawalan ng kabuhayan ng iyong kababayan
Nakababahala din ang katotohanang ito’y sanhi ng kamatayan nang ilan

Inuman ng alak ay gawin sa tamang lugar lamang
Uminom ng kung ano lang ang makakayanan
Ika nga ng iba ito’y ideretso sa tiyan
At huwag sa utak ilaan
Hindi rin ito nararapat na gawing paligsahan
Lalo na sa mga okasyon o handaan
Baka sa pag-uwi ika’y makasagasa o masagasaan

Sigarilyo ay di dapat tangkilikin
Lalo’t ang buhay natin ay maari nitong kitlin
Di ko mahintindihan bakit kung wala’y hahanapin
Bisyong dulot sa baga ay nicotine
Kayay kung nais mong buhay ay pahabahin
Sigarilyo ay piliting limutin
Umpisahan na ngayon at huwag ng pagtagalin

Yugyugan at Kasiyahan sa pagsapit ng gabi
Dapat minsan ay isinasantabi
Pagkat kadalasan sa gulo ay napapasali
Para maipagtangtggol ang kaibigang tinatangi
Itanong sa sarili kung ito bay nakakabuti
O isang aliwan na di dapat manatili
Na kung di titigilan, baka ika’y tuluyang maging sawi

Ugaling estudyante kuno ang ilang kabataan
Umaalis ng bahay sabay hingi ng baon ngunit tungo’y di sa paaralan
Kundi sa mga kabarkada na pagbubulakbol ang pinagkakaabalahan
Sana’y isipin hirap at sakripisyo ng mga magulang
Para mapaghandaan ang inyong magandang kinabukasan
O kabataan gumising at harapin ang katotohanan
Wika nga ni Rizal kayo ang pag asa ng inang bayan
Sikapin ito’y mapandindigan at mapatunayan

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success