Nono Taps


Baccalaureate Mass - Poem by Nono Taps

Gumising ako ng may tuwa't galak sa aking labi
Dali-daling pinukaw ang aking mahinang sarili
Nag-isip, natulala, at na-excite sa mangyayari
Ako'y kumilos, nag handa't, umalis ng may papuri

Sa byahe'y puros kaba at pananabik ang nananatili
Ilang saglit pa'y nasa tapat na 'ko ng banal na gusali
Maraming tao, mga estudyante, nka-itim, nka-ngiti
Maraming tao, mga magulang, nagdarasal, nagbubunyi

Biglang may tumawag sa akin at ako'y napakiling
Mga kaklase ko pla, natutuwa, nasasabik
Ako ay lumapit sa mga kaibigan kung turing
Nakipag kwentuhan, kumustahan, naki hagikhikan

Sabik at tahimik kaming pumasok sa banal na gusali
Sa misa kami'y nagnilay-nilay na hindi namin mawari
Nabalot ng katahimikan, kaseryosohan, kabanalan
Lumitaw ang kapayapaan, sumigaw ang pasasalamat

Natapos ang misa't napuno ng ingay ang gusali
Picture dito, picture doon, bati dito, bati doon


..click....click....click..
Isa pa...
Kami naman...
Ako naman...
Paki kuha naman kami...

..click....click....click..


..shake hands..

congrats...
congrats...
congrats...

..tap on the back..


Puros kasiyahan at tawanan ang namumutawi
Pero sa bawat ngiti'y pait naman ang nka kubli

kalungkutan...
pangungulila...
o minsan pa ay pagsisisi...

Yan ang aming hindi malilimutang 'Baccalaureate Mass'

Masaya...
Malungkot...
(pero higit sa lahat) Masarap balikan...


Comments about Baccalaureate Mass by Nono Taps

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Saturday, February 9, 2013

Poem Edited: Saturday, February 9, 2013


[Hata Bildir]