Di ko naintindihan ang nadarama;
Ako ay balisa pag ika'y di nakikita;
Nananabik makita at makasama ka.
Ngunit kung nariyan ka naman,
Ako ay nagmamaktul, naaasar sa iyo;
Ang sarap sarap mong kurutin
Awayin at yamutin.
Sino bang di maasar
Sa ugali mong parang puppy;
Palaging excited at makulit;
Nananaghoy pag di pinansin.
Ngunit kung wala ka naman
Nangungulila at hanap hanap ka.
Ano ba itong nadarama,
Ito na ba ang love na sabi nila?
(10/31/04. 3: 30 p.m)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem