Buhos na ulan!
Pawiin mo ang lumbay
ng mga damdaming
sinaktan,
Lunurin mo
Palalong init na sanhi
ng karimlan,
Tangayin mo
Mga mapagkunwaring
kasiyahan, at
Ilantad tunay na anyo
ng mga hunyangong
naglipanan sa lansangan.
BUHOS NA ULAN!
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem