Ana Maria Ogena Rosarda

Rookie (September 7,1968 / A. Arellano St., Sta. Ana, Manila, Philippines)

Changes (Pagbabago) - Poem by Ana Maria Ogena Rosarda

Sa tuwing aking babasahin
Mga lumang pangyayari
Na sa atin ay dumating

Dating tamis ng pagsasama
Puspos ng ligaya
Pinunan ng dalawang anak
Biyaya ang ibinunga

Sa pagsapit ng ika-tatlong taon
aking napuna...
Pumuno ay ligalig,
agam-agam di sapat
Pagbabago mo, sukat biglang sambulat

Nawala ang tamis
Wala ng saya...
Sigaw at galit iyong pinakikita
Pati na sa pagtulog...
magkalayo na - nakatalikod pa
Respetong tunay sadyang wala na...

May 30,1999


Comments about Changes (Pagbabago) by Ana Maria Ogena Rosarda

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Thursday, July 31, 2008

Poem Edited: Thursday, July 31, 2008


[Hata Bildir]