O aking sinta,
Tunay na ligaya..
aking kasama
Kung ikaw ay katabi, kayakap, kasama
Tunay na saya
Ayaw matapos aking sinta
Subalit ano ang nangyari,
Dinaanan ng panibugho,
ating pagsasama
Akala ko ito ay tapos na
Sinundan na ito ng galit at lamig,
Tanging tinuran,
bakit...bakit
Walang kasagutan, walang katugunan
Hindi kayang ipaliwanag sa salita lamang
Aking dasal, sanay marinig
Matapos na ito sa isang saglit
Sapagkat bukas.....
bukas.....
Kung ito ay magtatagal
Baka lumisan na
Damdamin ko sinta
April 24,1997
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem