Ikaw ang agila na lagi kong pinagmamasdan
Maganda ka, ngunit ika’y napakailap,
Na kinababaliwan ng aking mga sulyap,
Nagsasayaw na mag-isa sa papawirin.
Gusto kitang samahan sa iyong paglipad
Kung ako’y magkakaroon ng pakpak,
At sasamahan sa iyong dadapuan,
Sa t’wing ang araw ay lulubog sa kanluran.
Masarap lumipad na kasama ka,
Lalu na kung magsasabay,
Ang pagkampay ng ating mga pakpak,
Sa mukha ng nakikiliting hangin.
At pabulong kong isisigaw sa’yo
Ang saya na aking nararamdaman,
Sa t’wing tayo’y bubulusok,
Pababa’t pataas ng kalangitan…
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem