Di lubos maisip
sa akin pala'y umiibig
ang prinsipeng iniibig
na lagi kong iniisip
parang isang panaginip
o di kaya'y telesine, serye
na napanood ko sa tv
talagang isang himala
talagang isang biyaya
ang dumating sa buhay ko
na nagpapabago sa isang tulad ko
na naghahangad na lumigaya
sapangkat nag-iisa sa mundo
Noon ay umaasa
ngayon ay nagkakatotoo na
ang matagal na sinisigaw ng puso
sa kanya'y nakaabot na
kaya ang dating lumbay
ngayo'y may kulay
sa wakas ako'y liligaya
sa tunay na sisinta
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem