Farming Poem by Rey Benipayo

Farming

Rating: 4.0

Kay bilis naman ng panahon
At madami nang pagbabago
Ang dating sakahan ng palay
Taniman ng gulay at prutas
At mga lugar para sa mga hayop
Ay ngayon isa nang maunlad
Isa nang ganap na sitio
Puno ng mga infrastructures
At mga makabagong teknolohiya
Kay dali na nga ng buhay
At wala ka nang pruproblemahin

Pero paano na ang dating noon?
Na mahirap nga ang buhay
Ngunit sagana naman sa pagkain
Na siguradong masustansya
At walang preservatives
Ang buhay noon na libre
Ang kada litro ng tubig
Presko ang simoy ng hangin
Tahimik ang buong paligid
At nakikita mo ang langit sa gabi?

Paano na ang dating noon?
Na walang problema
Sa mga taniman ng gulay at prutas
Mas lalo na ang palay?
Sa lugar kung saan puwedeng
Alagaan ang pagkaing hayop?
Mga magsasaka ngayon
Ay nawawala at nag-iiba na ng trabaho
Paano na tayo bukas pagwala na?
Pag ang kultura ng agrikutura
Ay wala na dahil sa pagbabagong ito?
Ano pa ang kakainin natin?
Saan na tayo kukuha ng pagkain?
Paano na ang susunod na henerasyon?
Ano na? !

Wednesday, October 17, 2018
Topic(s) of this poem: death,technology
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success