Kung kailangan mo ng kaibigan
Andito lang ako
Naghihintay sayo at handang tumulong
Kung may problema ka
Sabihin mo lamang
Handa akong makinig at pumayo sa iyo
Ako'y iyong kaibigan
Nasa tabi mo lagi
Sabihin mo lamang
Iyong hinanakit
Sumpaan natin
Walang iwanan
Ano mang pagsubok
Tayo'y lalaban
Pagkakaibigan natin
Kailangang matibay
Hanggang habang buhay
Tayo'y magkasabay
Ganyan ang magkaibigan
Matibay ang samahan
Laging nagtutulungan
Pagsubok, kabiguan
Lungkot at kasiyahan.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem