Hangin Poem by Catherine Agunat

Hangin

Rating: 3.5

Kapag simoy ay sariwa
Maluwag na ang paghinga
Paglanghap ay maginhawa
Baga ko'y laging masigla

Dampi na anong lamig
May sisiw man'g nanginginig
Puso ko ay kinikillig
Wagas, hatid na pag-ibig

Ang bawat lawiswis, ay kaaya-aya
Animo'y sonatang napakahiwaga
Pinapaindak pa ang lalang sa tuwa
Ang pinadarama, mahal ng Maylikha

Pinapangarap ko na aking mayapos
Sa piling ko sana makayang igapos
Nang di mawawalay sa lambing ng haplos
Hanggang buhay ko ay tuluyang magtapos.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success