Himig ng pasko'y dumarating na
Ngunit ikaw na hinihintay wala pa
Kaya't pasko sa aki'y sasapit ba?
Pagkat ika'y nasa malayo pa
Simoy ng hangi'y lumalakas
Tibok ng puso'y bumibigat
Damdami'y laking kaba
Di alam kung ika'y makakasama pa
Pasko ko'y anong saya
Kung ikay makakapiling na
Ngunit ngayo'y nag-iisa
Lungkot aking nadarama
Nais kong makapiling ka
Ngayong paskong sasapit na
At itoy magiging kakaiba
Kung sa pasko'y andiyan ka
Kayat ako sana'y pagbigyan
Aking kahilingan sanay matupad
At kung ito'y aking maasam
Laking pasasalamat sayo'y ibibigay
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem