Ikaw Pala Yun Poem by Minerva Agriam

Ikaw Pala Yun

Nangangarap akong maging masaya,
Kapiling ang minamahal;
Mga araw at sandali parang hinahatak,
Papalapit sa minimithi;
Marami ng nakta at nakikilala,
Lahat sila'y lumipas din nawala;
Naging bahagi na ng lumipas kong sandali.
Masarap pala ang mangarap at maghintay,
Bawat araw may pag-asa at tanglaw;
Hinihingi na sana matagpuan ka.
Minsan napapagod narin ako,
Paghihintay sa pangarap ko;
Tanging ikaw lang ang hinihintay;
Sana naruon ka kasama ko.
Ngunit minsan nakita kitang
Masaya kapiling ng iba;
Parang nalilito itong puso ko,
Nasasaktan sa ginawa mo.
Kung ikaw yun, wag mo naman
Akong ipagpalit sa iba;
Alam mo namang ikaw lang
Ang tanging ligaya ng puso ko.



(10/31/04. 12: 00 p.m)

Saturday, December 24, 2016
Topic(s) of this poem: love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Minerva Agriam

Minerva Agriam

Dumingag, Zamboanga del Sur
Close
Error Success