Jealousy (Panibugho) Poem by Ana Maria Ogena Rosarda

Ana Maria Ogena Rosarda

Ana Maria Ogena Rosarda

A. Arellano St., Sta. Ana, Manila, Philippines

Jealousy (Panibugho)

Ayokong isipin
Ikaw ay hindi na sa akin
Subalit aking nadarama
Lamig sa iyong piling sinta

Buong akala ko,
Tamis ng pagsasama;
pag-ibig na nadarama;
Tanging batayan
ng tunay na pagsinta

Ako'y nagkamali
umaasang walang pasubali,
Pag-ibig mo'y di maglaho
Upang muling madama
Ang walang hanggang ligaya

March 13,1997

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Ana Maria Ogena Rosarda

Ana Maria Ogena Rosarda

A. Arellano St., Sta. Ana, Manila, Philippines
Close
Error Success