May dalawang nilalang
Magkaiba man ng pinagmulan
Higit sa magkapatid ang turingan
Lahat ng bagay ay pinagsasaluhan
Ngunit ang isa’y kailangan lumisan
Upang harapin ang kanyang kapalaran
Sa piling ng tunay na pinagmulan
At paghahanda rin sa kinabukasan
Sa bawat pagpitik ng gintong orasan
Sa bawat paglipas ng araw at buwan
Lungkot at pananabik ang naramdaman
Para sa kanyang doo’y iniwan
Sa tuwing dumaraan ang isang nilikha
Hinhintay iabot ang inaakala
Ngunit siya’y bigo at walang himala
Na sa puso’y magpapalukso sa tuwa
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem