Isang ala-alang mahirap kalimutan,
At pa'no makakalimutan kung ang naibigay ay puro kasiyahan?
Sa maikling panahon na pinagsamahan,
Anim napu't limang araw lang kung ito'y pamantayan.
Pero sa bawat oras at minuto nito'y walang tutumbas na kaligayahan.
Pa'no ba nangyari na ako'y nahulog ng tuluyan?
Sa taong may minamahal ng lubusan?
Masasabing ito'y katangahan,
Ngunit ayaw kong may pagsisihan.
Kaya't ako'y nagtapat ng aking nararamdaman,
Ng walang hinihinging kapalit o anuman.
Ngunit ang lupit ng sakit ng pagtanggi ay naranasan.
Na pagtingin sa akin ay isa lang na kaibigan.
Tanggap ko, sa simula pa lamang.
Kaya ako nagtapat para sa aking kalayaan.
Gusto kong lumisan ng walang pinagsisisihan,
Na hindi nagtatapat sa aking tunay na nararamdaman.
Paalam na aking kaibigan.
Salamat sa ating pinagsamahan.
Paalam na aking kaibigan.
Salamat sa lahat ng ngiti't kaligayahan.
Paalam na aking kaibigan.
Salamat sa Maykapal na ika'y pansamantalang ipinalaan.
Paalam na aking kaibigan.
Salamat sa ala-alang itatago ko hanggang kamatayan.
Paalam na aking kaibigan.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem