Kaligayahan Poem by Grace Svensson

Kaligayahan

Ang sabi ng iba ano nga ba ang kaligayahan?
Yaon bang makamtam ang minimithing kasaganahan?
O ang makapagpatayo ng matayog na tahanan
Na titingalain ng buong sambayanan?

Minsan masarap isipin
Na gumawa na lang ng kagandahan sa kapwa
Magbunyi sa maliit na iyong yaman
At magpasalamat sa natatamong biyaya

Iwasan ang mainggit sa iyong kapwa
Wari bagkus ay maging masaya sa kanilang tagumpay
Marahil ipagdiwang na lamang ang iyong buhay
Na hanggang ngayon ay iyong taglay

Linisin ang isipan sa masamang bagay
Hayaan mo at magliliwanag din ang iyong pakiramdam
Mawawala lahat ng iyong pag-aalinlangan at agam-agam
At mamuhay ng payapa ng walang humpay.

Copyright © Grace Svensson
December 11,2018

Tuesday, December 11, 2018
Topic(s) of this poem: happiness,hope,life
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Grace Svensson

Grace Svensson

Philippines / Sweden
Close
Error Success