Kaluluwang Kabiyak (Soulmate) Poem by Jay Garmino

Kaluluwang Kabiyak (Soulmate)

Sandali sa pagbuhos ng ulan,
Tumatangis na langit nagdaramdam;
Nakita ko ang ganda ng babae
Si eva ang diyosa ng mga puso.

Wala ng iba akong namasdan,
Sa kamang aking hinihigaan;
Masdan ko ang mukha mo sa kisame,
Nakapikit na mata dala ang ngiti.

Sa silya ng kapahingahan sa lupa.
Aliw ka sa ibabaw ng aking lamisa.
Sa kusina ng pag iisip na luto,
Buhay na kwento pagkaing ginto.

Lamig ng batis ng litrato
Plastic daw sa mukha ng tao,
Mukhang napinta ng titulo
Sa loob nakita ko ang totoo

Babaeng sa puso ko’y nabili ko na.
Sundan mo ang kabanata ng tula
Sa bibig ko lumalabas ang mga salita
Damdaming buwan at araw takda.

Huling hudyat sa aking pagsigaw.
Sa pagbuhay ng pagibig na dati’y pumanaw;
Kaluluwang kabiyak ko sa puso,
Di mabibili ni ano man ginto.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success