Kayo'Y Tinawag Ko Poem by Restyrona Rivera

Kayo'Y Tinawag Ko

Bawat yuto ng sandali
Siyang ating kailangan
Ito'y aking nalaman
Sa Banal na Kasulatan.

At kayo'y aking inaanyayahan
Na ako'y iyong pakinggan
Sana ako ay iyong maunawaan.

O kay sarap ng buhay
Kung siya'y ating kasama
Ang pakiramdam natin
O ano nang ligaya.

Ngunit ang karamihan
Ay di siya kilala
Wala sa kanya
Ang pagtitiwala.

At kayo ay tinawag ko
Na tanggapin si Jesu Kristo
Na siya ang nagligtas sa atin
Sa ating Kasalanan.

COMMENTS OF THE POEM
Ency Bearis 21 December 2011

You had this introspection about Jesus Christ, that's a good subject and very inspirational, and you expressed the emotion poetically. But I said this is so great if you can translate this in English so the world will love it.

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success