Kung Tayo Ay Magkita Poem by Jesus Diaz Llorico

Kung Tayo Ay Magkita

'Kung tayo ay magkita
sa lugar na 'di mo akala
magiging tahimik ka pa rin ba
at itutuloy ang pagdurusa?

Gusto sanang mawala
sa puso lalo na sa isipan
ang nangyari sa'ting dalawa
na sa tagal ng panahon
tuluyan ng malimutan
ang sakit na nadarama

Kung hindi ka magsalita
sa muling pagkikita
alam kong hindi na mawawala
ang pait na iyong nararamdaman
at maghihiwalay ng tuluyan
na may pighati at luha.'

Thursday, February 19, 2015
Topic(s) of this poem: love and pain
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success