Ito'y tinago ko noon pa man
Upang walang makaalam
Lihim kong pagsinta
Sa panaginip lang nadarama
Subalit ako'y masaya na rin
Pagka't minsa'y ika'y nasa aking piling
Tinuring kitang kapatid
Pagka't ika'y sa puso ko naka-kabit
Ngunit iyong dinggin
Sigaw ng puso ko'y pangalan mo giliw
Sa panaginip lang kita iibigin
Pagka't doon ika'y akin
Mahal mo ako at mahal din kita
Sa panaginip ako'y sayo at ika'y akin sinta
MCA ng buhay ko
Patuloy kitang iibigin O mahal ko
Ngunit ito'y ililihim ko na lamang
Hanggang maglaho ang pag-ibig na nararamdaman
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem