Lolo Sapatero Poem by Rhey Anne Gempisao Alvarico

Lolo Sapatero

Rating: 5.0


(This is a poem written in Filipino language and is dedicated to the old man who fix and sew shoes at the sidewalk. I don't really know him but I see him everyday when I'm on my way to school.)

Isang umaga nang papunta sa skwela,
Mayron akong nakitang mamang matanda.
Kulubot na balat, makapal na kamay,
Marka ng maghapong paghihintay.

Sa isang sulok siya'y nakaantabay,
Nang may makita sa paghahanapbuhay.
Doon ay walang sawa siyang naghihintay,
Suot ang kanyang damit na luray-luray.

Nais ko siyang tulungan at alagaan,
Ngunit ako'y isang estudyante lamang.
Marupok ako at walang kakayahan,
Lalo na't ako ri'y nangangailangan.

Ngayo'y idadaan ko nalang sa dasal,
At sana'y tugunan ng Poong Maykapal.
Ilayo po sa kapahamaka't gulo,
Ang minamahal kong Lolo Sapatero.

(I wrote this on March 12,2011)

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success