Maging Tapat Sa Pilipinas Poem by Obed dela Cruz

Maging Tapat Sa Pilipinas

Minsan ang ating mga kaibigan,
Ay napupuno ng kasamaan.
Minsan ang mabait na tao
Ay ang nagiging dahilan ng gulo.

Tayong mga Pilipino
Ay dapat hi mahilo
Sa mga pangyayari
Sa bansa natin.

Maging tapat sa Pilipinas.
Huwag kang kakalas.
Kailangan ka ng bansa mo.
Halina’t tumayo tayo!

Huwag nating sumpain
Ang Pilipinas na atin.
Kundi, ating pagpalain
Ang mga tao’t lupain.

Ang pag-asa ay hindi mawawala
Kung ang buhay ay hindi mawawala.
Dapat minsan tayo’y magpahinga
At mag-isip ng mga bagay na magaganda.

Huwag puro protesta at himagsikan
Kundi magdasal para sa kapayapaan.
Ating gamitin ang pinag-aralan
Para sa ating inang bayan.

Gawin ang nararapat.
Ang krimen ay hindi dapat.
Huwag puro sarili ang isipin.
Huwag puro gobyerno ang sisihin.

Tayo mismo,
Kung anong mayroon tayo,
Gamitin para umunlad
Ang bansang nalalaglag.

Lumapit sa Diyos
Sa bawat oras.
Makinig sa Kanya
At huwag sumpain Sya.

Maging tapat sa Pilipinas.
Mangarap ng mataas.
Kahit ikaw mismo,
Kayang baguhin ang bansa mo.

Copyright © 2009 by Obed Dela Cruz

(September 5,2009; Marikina City)

(To use this poem in a legal way, please email the author at princeobed_dc@yahoo.com but you cannot own the poem because you will be violating such in computer ethics, information systems, intellectual property, copyright, and other rights)

COMMENTS OF THE POEM
yellowbell alamanda 28 October 2009

wow ang galing nun ah! tama ka ka nasa atin ang pagbabago ng Pilipinas nating mahal. Sana lahat ng kabataan ay katulad mo mag mahal ng bayan. ipag patuloy ang nasimulan. yellowbell.

1 1 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success