Bakit kailangang masaktan,
Dahil lang sa pagmamahal,
Puso parang dinudurog,
Kirot at sakit na dulot,
Nang maling pagmamahal?
Mali bang umibig,
Sa isang taong di sa daigdig,
Mapagmahal nga sa daigdig,
Lahat naman ang pinapasan,
Sarili ay di pinapansin.
Dapat bang saktan,
Sariling katawan,
Para lang wakasan,
Ang mga pasanin,
Nang mundong makasalanan?
Mali bang magmahal,
Kapwa na nagmahal,
Bakit ito'y bawal,
Bagay namang natural,
At dati'y di pinagbawal?
Kung ito nga ay mali,
Di na dapat ikubli,
Pabayaan nalang ang sarili,
Na maghintay sa pinipili,
Panginoon nama'y mapagwari.
(8/24/03. 5: 50 p.m)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem