Naging Makata Poem by Jesus Diaz Llorico

Naging Makata

'Dahil sa iyo ako ay naging makata
sa tibok ng puso nakakalikha ng tula
at sa mga sulat na aking nagagawa
puno ng lambing ang bawat pahina
aking pawis sadyang ginuhit sa lupa
pagkat labis ang aking paghanga

Sa maliit na silid na aking sulatan
ay nakadisplay ang iyong larawan
kaya napupuno ang aking isipan
sa mga magaganda nating nakaraan
maiiwang yaman sa ating pag iibigan
mga tula ng ating pagmamahalan

Ikaw ay yayakapin ng aking pag ibig
para init mag alab sa gabing malamig
matitikman ang masamyo kong bibig
na kapag makita ng iba'y hatid ay kilig
kaya sa sinisinta huwag maligalig
pagkat pag-ibig alam sa buong daigdig.'

Saturday, October 11, 2014
Topic(s) of this poem: love and art
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success