Nakakaiyak Pa Rin Poem by Milbert Salmasan

Nakakaiyak Pa Rin



Kaluluwa ko'y muling sinasariwa
Ang nangagngulatding-talulot ng tuwa
Na bibihira na lamang nadadalaw't
Nadidiligan nitong abang gunita.

Dito ngayon sa ‘king pagbabalik-sulyap
Sa kahapong tila ‘di malip'rang-uwak;
Kaluluwa ko ay nasubsob sa dawag
Ng damuhan ng gun'tang nasawimpalad.

Dito ay aking pamuling namamalas
Ang mapanglaw'ng kagalakan ng lumipas.
‘tong galing buhat sa nasawing pagkasi
At pagtatangi sa isang binibini.

Saka mga mata ko ngayo'y uma'mbon
Ng luhang dito pala'y nagkukulong.
O ‘yong alaala nasawing pag-ibig…
Kinakamandag parin aking isip.

Saturday, November 29, 2014
Topic(s) of this poem: love educates
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Milbert Salmasan

Milbert Salmasan

Purok-1 Sampagar, Damulog, Bukidnon
Close
Error Success