Bakit ba ika'y ang hirap makamtan;
Kaligayahan kong pangarap man?
Naroon lang sa isang tabi;
Pero bakit di mapasa akin?
Ang hirap sagutin ng mga tanung;
Sa aking dibdib ay nakabagabag.
Naroon ka lang abot tanaw;
Pero di makita ang kailan man.
Parang ang tamis hagkan;
Ng mga batis na nasa paligid lang.
Ngunit pati pagpatak nito;
Ay parang bolang nawala.
Naroon lang naman yun;
Bakit di bigyan tugon?
Dapat bang kontrolin;
Pag-inog ng mapaglarong daigdig?
(4/23/03. 8: 10 p.m)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem