Ngiti sa puso, tangi mong hatid,
nginig sa tuwing ika'y lumalapit, tila'y walang-patid,
ngunit kislap mula sa mga mata ko'y di mo batid,
nguyain sana ng kagandahan mo ang isipan ko hanggang kumitid,
ngangawit pati ang dila at buhay ko'y tumagilid,
ngala-ngala ko'y mag-sisigaw, sa iba'y di makiki-apid.
Hampas ng pag-ibig mo nawa'y hindi magiging usok,
hamon nito'y parang kirot ng karayom ang tusok,
hambingin at timbangin man, pag-ibig at halik ko'y may pusok,
hanging sing-init ng sunog, pagmamahal ay di matutupok,
hanggang ang lahat ng namamagitan sa ati'y walang mabubulok.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem