Tahimik na nangingiti.....
Imiimbay, sumasabay, kumakaway.....
Ang dalisay na talulot
Iniaalay ang kanyang rikit sa kung kanino hindi ko batid.
Mayuming umaawit.....
Malamyos, naghahaplos, nangyayapos......
Ang mabini niyang tinig
Iniaalay ang kanyang himig sa kung kanino hindi ko batid.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem