'Bakit kelangan sabihin pa
ang nararamdaman sa sinisinta
pag ibig ba ay dapat maging dakila
para maintindihan at madama
Hindi na makahulagpos ang puso
sa pag ibig na tunay at wasto
hindi din makagalaw sa epekto
dahil tinamaan ang isip ng husto
Alam na mahirap pilitin ang puso
parang pagkain na hindi gusto
na sa bawat oras at minuto
ay ayaw makasama sa kahit ano
Saan man lugar o magpunta
sa daan man o sa isang eskinita
pag-ibig mahirap talaga mawala
sa isang tunay na sinisinta
Kaya sa pangarap na lamang
iniisip ang munting nakaraan
at kahit na laging iniiwasan
ang sinisinta pa rin nasa isipan.'
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem