Pagguho Poem by Grace Svensson

Pagguho

Nakatulala sa kisame
Katinuan di mahagilap
Tila mundo ay naunsiyame
Na para bang nawala ng iglap

Di nagugutom
Pagkain ayaw pumasok sa tyang malamig
Sa lalamunang tila ba naghilom
Ayaw lumunok ng kahit tubig

Nagkukulong sa kapirasong silid
Kahit hangin walang mahagip
Kahit ilaw wala sa gilid
Ng kwartong tila ba kay sikip

Kahit gustuhing magsalita
Hindi magawa
Kahit isang letra ay nawawala
Para bang paralisado ang buong mukha

Totoong mundo di maintindihan
Ang iyong pinagdadaanan
Subalit kahit ikaw
Ay di alam kung ano ang dahilan

Sabi ng iba iligo mo lang
Baka magbago ang nararamdaman
O kaya ay makihalubilo sa mga kaibigan
Kay daling sabihin mahirap panindigan

Isang araw biglang nasambit ang pangalan
Ama, ako po ay inyong tulungan
Na makawala sa malahalimaw na kalagayan
Patnubayan ako sa lahat ng paraan.



Copyright © Grace Svensson
December 11,2018

Tuesday, December 11, 2018
Topic(s) of this poem: depression,sadness,despair,hope,life,life and death,sad
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Grace Svensson

Grace Svensson

Philippines / Sweden
Close
Error Success