Paglalakbay Poem by Avery Eglantine

Paglalakbay

Rating: 2.0

Habang palakad sa nagbabagang kalsada
Tila anino ng bata'y naaaninag
Dala'y posporo't patpat, nagsusunog pa
Tanghaling tapat, di ba banaag?

Pagdating ay hapo sa paglalakbay
Nalunod sa literal na usok
Mabuti't kaibigan ang kaagapay
baga'y tila tinutusok-tusok

Ano? bakit? saan nagmula?
Ahay! Nagsiga itong mga bata
gamit ang tuyot na dahon ng mangga
sa tanghaling tapat kami'y nairita!

Tatlong bata edad ay di mawari
Tila kiti-kiting hindi mapakali
Ano pa't di kagandahan ang mga ugali
kung umasta'y aakalaing hari

Bago ang apoy mamatay ng kusa
tanaw na papalapit ay dal'wang binata
May baril! May baril! ako'y na sindak
ako'y nangangambang kami'y mapahamak

Pag-apak isang metro sa kinatatayuan namin
Ako'y tumayo upang ang mga moro'y kausapin
Ako'y nagbalat kayong calmadaong calmado
upang di nila mabatid na ang sitwasyo'y delikado

Pagkat maaring kababaiha'y halayin
Lahat rin marahil ay ibig na paslangin
Tulad ng nangyari sa kabilang kaparangan
sa parehong sitwasyo't parehong tauhan

Ako'y napilitang makipagtalastasan
Sila'y lubos kong pinagmasdan
Mabuti't amin ring natuklasan
sa kalaunan ang kanilang nakakubling kahinaan

ano ang aming pakay, tanong nila
'ah..ehh..kami po'y lilikha ng maigsing pelikula
isang di natapos na proyekto sa multimedia '
Haha! Katuwa tuwa't di man lang sila nagtaka! (bakasyon na!)

Maya pa'y parang nabasa yaring isip
biglang nagbago ang hanging inihip
'Di ba't wala ng pasok? bakasyon na! '
sabay tugon sa sarili 'summer class pala'

Kinausap sa salita ng lupang tinubuan
Sa paksang nais, sila'y pinaunlakan
Bagamat di kami natutuwa, nakipagtawanan
bagamat oras ay nasayang, nakipaglokohan

Natuklasan ring sila'y di moro kundi guardiya
mula sa isang isla ng bisaya
Sila'y di rebelde't nagmula pa nga sa ahensya
ako'y nagkamali sa unang pagkilala

Di tumagal sila ri'y lumisan
Nakahinga ng maluwang, kaming magkakaibigan
Sa kalayuan sila'y patuloy na nakatingin
Kami man ay patuloy sa kunwariang taping.

trenta minutong nakatulala
maya-maya pa't nagdesisyong gumala
inakyat ang burol na kalahating napinsala
ako'y nauna't sila namay umakyat na.
Ng litrato'y nama'y walang tigil sa pagkuha
ang batang si eda na di maka-saka.
di kalaunan, laha'y abot na ang tala
sa rikit ng tanawin sila'y namangha
ngunit pababa, sila ba'y nalula?
sa kawalan, may isang natulala! haha

bago pa lamunin ng dilim ang paligid
sinikap na manaog sa tanawing abot langit
Dumaan sa daang sadyang makikitid
at tsaka maalala ang paang namimilipit

Sadyang kay layo ng daang aming tinahak
kami'y tila uhaw sa dugong mga uwak
ngunit napawi ng dulot na tuwa't galak
pag-dating, tenga'y tila pumapalakpak

sa pagtatapos ng paglalakbay
Sa kalsada'y kulang na lang ay maglumpasay
ang mga balikat ay nakalaylay
sakit ay nanumbalik, tuloy ang aray!

Heto't nagsusulat ukol sa karanasan
Iniikot pabalik ang kamay ng orasan
Kasulukuyang sakit, pilit tinatakasan
bumalik at ramdamin ang nakaraan

bagkus indahin ang sakit ay patayin
gamit ang punyal sa alaala'y hasain
Tara't magmuni-muni't muling alalahanin
ang galak na dulot ay sumahin

Tayo'y tumatawa sa lilim ng puno
sa parang na ikinubli ng mga kongkreto
sa mundong mayabong, tahimik at payapa
bagamat walang tatalo sa isipang malaya!

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success