Paglimot Poem by Bernadette Camara

Paglimot

dati rati ang isang katulad ko ay nababaliw sa isang katulad mo,
laging gusto kang makita,
pangalan mo ang laging sambit sambit.
ngunit dumating ang panahon
na ang puso ko ay naguguluhan na.

maraming tanong ang pumasok sa aking isipan,
marahil ay gusto ng matinong kasagutan.
at ngayong iba na ang aking nararamdaman,
ika'y isang parte nlng ng ala-ala.

nalimutan na kitang talagah.
mga tanong na pumasok sa aking isipan
ay nabigyan agad ng kasagutan.
kaya ang isip at puso ko ay natauhan,

nabulag lamang sa kasinungalingan.
at ngayo'y kailangan nang harapin ang katotohanan,
na ika'y isang kalokohan lamang
na napadaan sa aking buhay.
madali kong napagtanto na
pinaglalaruan mo lamang ang aking damdamin.
ang aking damdamin na ang hangad lng ay mahalin.

pinaasa lamang na ako'y mamahalin.
sana tuloy-tuloy na ang lahat ng ito,
ikaw ay tuluyang kalilimutan na.
burahin lahat ng masamang ala-ala
ng sa gayon ay maging masaya na.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success