Nasaan Ang Kasiyahan Poem by Bernadette Camara

Nasaan Ang Kasiyahan

nakatingin sa malayo tulala,
malungkot, nakasimangot, malalim ang iniisip.
hindi malaman kung ngingiti o iiyak,
heto na namn heto na namn....
palagi nlng ganito, malungkot, tulala
at halo halong problema ang nasa sa isip.
halos hindi na namamalayan
ang luhang pumapatak galing sa mga mata.
laging nakangiti ngunit sa likod ng mga ngiti ay pighati.
araw-araw nakangiti,
ngunit tuwing gabi pumapatak ang luhang dulot ng kalungkutan.
kelan kaya magiging tunay na msaya,
ung walang halong luha.
yung tipong mula umaga hanggang gabi ay ngiti sa labi ang nakikita,
oh kalungkutan
kailan ka mawawala, sanay lisanin mo na ang buhay kong punong puno ng pighati,
para maranasan ang tunay na kasiyahan at makangiti.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success