Pagluha Poem by Wild Grass Cad

Pagluha

sa pagpihit ng araw,
suminting ang pagibig.
nagmula sa kung ano
nagtapos sa paano.

isinaklob ang katotohanang;
aq'y iniwan pinaasa,
nilayuan at sinaktan;
umasang babalikan.

kumirot ang puso, tila walang katapusan
sakit na sumugat nais wakasan;
napagtanto ng isip, ngunit di ng puso
ang tadhana nga'y sadyang mapagbiro.

mga katanungang, sagot ay hayagan
subalit itinatwa ang katotohanan;
ikinubli ng ngiti ang sakit at pighati;
mahal kita bigkas pdn ng mga labi

nakabibinging sigaw ng isipan
ngunit akoy manhid sa katwiran
dahilay di ko kayang pakinggan
pagkat sayo padn aking buhay.

pakiusap akoy iyong tingnan;
sa mga matang ikaw lamang ang nais pagmasdan
pakiusap aqy iyong halkan
at ang luha koy iyong punasan

maari ba? pwede ba?
kahit ilang saglit tulad ng dati
masaya kapit kamay may kilig at saya.
tulad noong mundo pa nati'y iisa.

Saturday, August 20, 2016
Topic(s) of this poem: broken heart
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success