Pagsuyo Poem by Kc Cabauatan

Pagsuyo

ngayong gabi umaawit ang mga tala,
umaawit alangalang sa isang diwata
mga himig ng pagsinta
inuukit sa aklat ng tadhana.

irog, ang iyong yumi, aking hinahangaan,
sa gabing ito, hangang sa walang hanggan.
ang iyong pangalan, aking sasambahin,
kahit anino ng puso mo, nawa aking maangkin.

kaysarap damhin ang pusong nagmamahal.
at ang iyong pangalan, laging laman ng aking mga dasal.
araw-araw aking minimithi ang iyong mga sulyap.
ang iyong pagsuyo ay aking pinapangarap.

sa gabing ito, ilalahad ko ang buo kong pagsinta,
sa iyo, binibini na lagi kong ginugunita.
nawa sa gabing ito, iyong dinggin.
ang aking mga panalangin na ikaw ay maging akin.

Sunday, February 14, 2016
Topic(s) of this poem: love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success