Ang Muling Pamamaalam Ni Rizal Poem by Kc Cabauatan

Ang Muling Pamamaalam Ni Rizal

paalam, putang inang bayan!
sinayang nyo lang ang aking unang kamatayan
pinilit maging malaya
laban sa mga kastila
ngunit nagpapaudyok parin sa mga utos ng mga prayle
na kadalasan wala naman sa bibliya.

putang ina mo andres, ikaw ba'y nahihibang
binansagan ba namang republika ng katagalugan
pinilit ipinagsisiksik; bisaya, ilokano at mga muslim
na kanya-kanyang mayrong sariling wika, kultura at pagiisip.

gago ka rin, dakilang emilio
na mas pinili pang pakinggan ang mga udyok ng mga traydor
tulad ni paterno. alam naman ng lahat na dating maka-kastila
at ngayon maka-amerikano. sinayang mo lang ang pinaglalaban
nina andres at ni antonio. lihim mo man silang pinaslang,
ngunit mga sigaw nila napakinggan ng inang bayan.

ano bang nakain mo manuel, at bakit mo pa pinagkalat,
na gustuhin mo pang mapamunuan tulad ng impierno
ang pinas kesa mapalangit na pamumuno ng mga kano.
di mo ba alam na ang karamihan natin ay tanga
sa isang demokrasyang hangad, tulad na lang sa iniidolong amerika.
kung hinayaan na lang sana muna at unti-unting pag-aralan
at sa mga susunod na henerasyon ay ito ipaubaya
kung kelan patas na lahat, mahirap man o mayaman.
patas sa pagiisip at sa pag unawa, na ang tunay na kalayaan
ay may kinauukulang kabayaran.

sa mga prayle naman, sana mapunta kayo sa impierno,
ang bansa ay inyong nilapastangan sa huwad nyong mga turo.
na dapat daw, sundin lahat ng inyong mga utos
kahit minsan di naman totoo, pero sabi nyo utos daw ng diyos.
sa inyong ginagawa, parang inuulit-ulit nyo lang pinako si kristo sa krus.
mga indulhensya, na may kapalit na pera
para daw, kung kami mamatay, sa langit kami ipagpala.
di nyo ba alam o kayo'y nagbubulag-bulagan lang;
ang sabi ng diyos na siya lamang ang daan
pero sa inyong kalokohan, gumawa ng paraan
para ilihis ang inyong mga deboto tungo sa kapahamakan.
mag-alay daw ng tributo para sa mga santo,
pero sa mga bulsa nyo lang napupunta ang mga ito, kayong mga gago.

kayong mga prayle, mga ministro
isa kayo sa mga dahilan kung bakit ang mga tao,
mapaghusga at madaling mauto, sa mga pangako ng mga politiko
di naman masama ang tumulong sa mga maralita
pero wag nyo namang gawing palaging mahirap ang mga dukha
papagaralin nyo sila ng tama sa inyong mga paaralan
na konti man o libre ang bayad, para sila ay maturuan
kung pano mamuhay ng marangal at di umaasa sa limos
dahil edukasyon lang ang katapat laban sa paghihikahos.

kayo namang mga buwisit na pulitiko
kayong nagpapasasa sa pera ng bansa
imbes na mapupunta sa mga magagandang proyekto
ay napupunta sa wala.
porke't kalaban sa politika, hindi nyo tinatapos
ang mga nasimulan ng dating nakaupo.
sisirain muna, at gagawa ng panibago
para lamang mga pangalan nyo ang babango.
kayo kayo rin ang nagbabangayan, kung sino ang kurakot
at kayo lang daw ang santo, putang ina nyong lahat,
lahat kayo ay mga singalot, tama na ang pagnanakaw
sa mga binayad ng buwis. wag na kayong magturuan
lahat naman kayo'y sangkot.

kayo naman, mga mamamayang pilipino
dapat matuto na rin kayo, para kayong mga gago.
piliin din ninyo, kung sino ang totoo,
totoong naglilingkod sa bayan na walang kabayaran
kundi yung binabayad bilang sweldo sa mga serbisyo nito.
at putang ina naman, dapat matuto na rin kayong bumangon,
para di naman palaging maging dukha at pabigat
ng mga tunay na nagtratrabaho at nagaambag
para mapabuti ang takbo ng ating bayan.

at kayo mga kabataan talaga naman,
mag-study man lang konti, wag panay facebook o coc
ang laman,
ng inyong mga utak para sa kinabukasan, ay mapakinabangan.
imbes na sa mga magulang, kayo palaging umaasa,
pag nasa kolehiyo na, magworking student ka na.
para maranasan mo kung pano kumita
at hindi panay droga, at kalandian ang inyong inaatubili.
maawa naman kayo sa mga magulang ninyo
di nyo nga naman kasalanan, kung bakit kayo nandito
pero dapat rin kayong matutong maghanapbuhay
kasi paggradweyt ninyo, madiskarte na kayo sa buhay.

hala sige, at ang ipad ko'y malapit ng mapundi,
sa mga litanya kong dapat sana maiksi
pasensya na po, sa aking mga dalamhati
bago ako mamamalam muli makapag selfie nga muna,
para di lang sa luneta nyo ako makikita.
kasi ang sopi ngayon wala ng kwenta.


paalam, putang inang bayan, paalam muli.

Ang Muling Pamamaalam Ni Rizal
Sunday, December 27, 2015
Topic(s) of this poem: angst,rizal day
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
1 / 24
Kc Cabauatan

Kc Cabauatan

Dumaguete City
Close
Error Success