(Dedicated to Manny Pacquiao,
my first poem I wrote in Tagalog,
Filipino language)
Taong maliit kung ika’y tingnan
Subalit ang puso’y ubod yaman.
Tubong probinsya at kahirapan
Bawat dalangin ay pinakinggan.
Mga pangarap, iyong ninais
Puhunan mo’y, dugo at pawis.
Tanging dasal ang iyong kakampi
Nawa’y pagpalain at hindi maapi.
Sa bawat suntok ng iyong kamao
Mukha ng kalaban ay ‘di na maamo.
Malamig nyang pawis nagtilamsik
Tadyang niya’y ayaw nang isiksik.
Daigdigang mata, sa iyo’y nakatangan
Tainga ng bulag kahit sa kadimlan.
Marinig lamang ang iyong pangalan.
Sigaw ay: “tapusin mo na Pacman”!
Sa tuwing ika’y nakikipagbunuan
Tigil karahasan ang buong bayan.
Nakaabang, kriminal at kapulisan
Katumbas mo’y walang ninuman,
Dinala mo ang lahi sa isang adhikain
Ikaw ay marapat itanghal at dakilain.
Pagkat ika’y minamahal nitong mundo
Katangi-tanging “Pambansang Kamao”!
Copyright© Salvie Rosales-Truitt
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem