Tunay na maganda paraisong aking tirahan
Magandang biyaya sa akin ng Maykapal
Ito'y nagbibigay sa akin ng kagalakan
sa mga panahong nadama'y kalungkutan
Kaligayahan ay dulot sa akin ng kapaligiran
Mga puno sa gubat na naglalakihan
Mga ibong umaawit, patuloy sa paglipad
Mga dahong idinuduyan ng simoy ng hangin
Mga bulaklak sa harden na namumukadkad
Lahay ng ito'y biyayang sa akin ay inilalahad
Pagtingin ko naman sa malawak na kalangitan
? Napapansin ko na ubod ng kagandahan
Mga ula sa itaas na nag-aasulan
Ito'y hiwagang bigay sa atin ng kalangitan
na di natin masusukat ang tunay na pinagmula
Ang lahat ng ito'y pakaalagaan
Magagandang bagay ay pakaingatan
Sa araw-araw ito'y ating kailangan
Upang mapapawi taglay nating kalungkutan
Sa gayo'y paraiso ay patuloy na titirhan
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem