Kabiguan ay siyang sa tagumpay ay hadlang
Pumapaso sa buhay ng bawat nilalang
Ito'y nagdudulot sa'tin ng kalungkutan
At nagsilbing malas sa'ting buhay kung minsan
Maraming nagsabi na itong kabiguan
Kahit kailan man ay di mahahadlangan
Dulot nito'y sugat sa puso ninuman
Na di maghihilom magpakailan pa man
Napakasakit kapag pag-ibig mo'y bigo
Pagkat ang mundo ay babagsak sa iyo
Luha ay dadaloy sa mga pisngi mo
Puso mo'y parang sinaksak ng kutsilyo
Kapag ang iyong puso ay natatamaan
Wala kang magagawa kahit iiyak ka man
Pagkat kabiguan, taglay ay kapintasan
Kahit sinuman ay di maaring lumaban
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem