Payong Poem by John Arvin Sangalang

Payong

Isang simpleng kaanyuan man akong kanilang ituring
Nariya't iniiwas sa hagpas ng hangin
Hanging hagpas pilit kinukubli
Kinukubling hangin pilit hagpasin sa aking sarili

Lundo ng itayog sa aking tuktok
Tuktok ng lundo pilit itinatayog
Itinatayog na tutok wari'y tugatog
Tugatog ng itinatayog para sa magandang tuktok

Sandigan baga batid sa aking sarili
Sariling sandigan ay kanyang inilalapit
Inilalapit na sandigan upang sarili'y kabuuanin

Hapas ng lupa'y aking sinasalit
Sinasalit na lupa'y dumidikit sa pahapis
Pahapis na dikit pinapagpag ng hapis

Kabuuang inilantad sa isang anyo lumabas
Lumabas na kabuuan humubo sa tabas
Tabas na hinubog sumimbulat sa labas
Labas na sumimbulat "payong" ang pinahapas.....

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success