151.
Eyes of the Gods
What a discomfort to be known
By those who are so well-known? !
What a shame to be undressed
Before the people by unknown guest? !
How hard is it to be fool enough
Gaining everyone’s scornful laugh? !
Though you be not a criminal
You’ll feel like being in a tribunal
Those who have the temerity
To spit upon the sky publicly
Be ready for a great recurve
The impact pinches through the nerve
Drawing oneself to the eyes of the gods
Is like being buried in iron clods.
-05/23/12
(Dumarao)
*moody (My Painful Poems collection)
152.
Brave & Afraid (Petrified)
It’s hard to say bye bye you
When my heart & mind tells me not to
How brave & stupid am I to embrace
You with a dagger on my face
Yet I do this like a tired boxer
Who hugs his fellow for punch no further
Sorry if I can’t leave you this way
I’m so afraid to break away
Prove me first that you bear no weapon
To strike me on the moment I abandon.
-05/23/12
(Dumarao)
*moody (My painful Poems collection)
153.
Psalm of Judas
Oh Lord, smelling your presence
Strikes my inner feelings
Perceiving its magnificence
Fills me with positive tidings
Oh Lord, seeing your face
Glimmering with glory & honor
Catches my ardent gaze
While dazzling me with fervor
Oh Lord, having your words
Makes my consciousness tremble
Like a sheep among herds
Giving momentum to assemble
Oh Lord, saying your name
During my pain & distress
Takes away false fear & shame
But not on moments when I transgress
Oh Lord, touching your manifest
Gives me strength & courage
When I am under a test
Facing concrete or abstract carnage
Oh Lord, I’m astounded looking at you
But uncomfortable with your stare
Seems you’re watchful with all I do
Oh Lord, I’m ensnared listening to you
But elusive over your eavesdropping
Lest you learn of a sin I do
Oh Lord, I’m inquisitive speaking with you
But cautious of my language
For it can reflect what I did, am doing & will do
Oh lord, I’m delightful walking beside you
But suspicious if others are envious
Of course, it’s an amazing thing to do
Oh Lord, who is like me?
I’m proud like a celebrity!
Oh Lord, I traversed the road with pride
As if I can always make a great stride
Oh Lord, I never sensed the pitfall ahead
When from you, I turned away my head
Oh Lord, suddenly I’ve fallen! –
Condemned by women of Jerusalem!
-05/31/12
(Dumarao)
*My Dark Poems collection
154.
Siboloria 1: Unang Pagtatagpo
Siboloria – ang lupaing ito ay ipinangalan
Sa dalawang magkasintahan
Si Sibo ay lalaking makisig
Si Loria ang babaeng iniibig
Si Sibo ay anak ng hari’t reyna
Si Loria ay supling ng aliping dukha
Una silang nagkakilala
Habang prinsipe’y nagmamasid sa mga magsasaka
Natapilok ang binata
Sa bandang pwesto ng dalaga
Pumaibabaw ang lalaki
Sa natumbahang binibini
Parehong napahiya’t namula
Nang mapatitig sa isa’t isa.
-06/15/12
(Dumarao)
155.
Siboloria 2: Gabing Maligalig
Nang gabi ding iyon
Sila’y napuno ng imahinasyon
Pawang tuliro’t nahirapan
Sa pagtulog ang mga naturan
Ang prinsipe’y sobrang namangha
Sa ganda’t alindog ng dalaga
Ang dalaga’y puspos kilig
Sa prinsipeng kumabig
Animo’y lumulutang sa mga tala
Ang pakiramdam ng binata’t dalaga
Ninais-nais ng prinsipe
Na muling makita ang babae
Inasam-asam ng dalaga
Na makatagpo muli ang binata.
-06/15/12
(Dumarao)
156.
Siboloria 3: Prinsipeng Nakatali
Subalit si Prinsipe Sibo
Naitali na ang puso
Sa tulad din niyang maharlika
Na isa namang prinsesa
At ‘di magtatagal
Sila na’y ikakasal
Kahit pawing walang nadarama
Na pag-ibig sa isa’t isa
Sila’y sunud-sunoran lamang
Sa batas ng mga ninuno’t magulang
Ganoon talaga kapag maharlika
Ang pag-aasawa’y mariing itinatakda
Upang mapangalagaan
Dangal at riwasa ng angkan.
-06/16/12
(Dumarao)
157.
Siboloria 4: Aliping Malaya
Samantalang si loria
May kalayaan sa pag-aasawa
Siya ay lumaki na
Mga magulang ay wala
Subalit ang anak ng amo
Sa kanya’y may lihim na gusto
Isang gabi nang matutulog na
May pumasok sa silid ni Loria
Siya’y tinangkang gahasain
Ng lalaking may pagtingin
Mapald at si Loria’y nakadampot
Ng patalim na isinaksak sa salot
Nang gabing iyon, siya’y nakatakas
Mula sa tinirhang pangahas.
-06/16/12
(Dumarao)
158.
Siboloria 5: Ikalawang Pagtatagpo
Sa paglisan ni Loria
Sa tahanan ng amo niya
Iba’t ibang trabaho
Pinasok ng babaeng ito
Subalit hindi naglaon
Sa palasyo naparoon
Dahil malapit na ang kasalan
Palasyo’y nagdagdag ng mga tauhan
Si Loria’y naatasan
Sa serbisyo ng lutuan
Tatlong buwan bago ikasal
Habang prinsipe’y nag-aalmusal
Kanilang namukhaan at nakilala
Ang dating nakatagpo na.
-06/17/12
(Dumarao)
159.
Siboloria 6: Lihim na Ugnayan
Sa lahat ng araw ng ikalawang buwan
Bago ganapin ang napipintong kasalan
Madalas wala ang prinsipe sa palasyo
Dinadahilan parati ang pangangaso
Subalit parating walang huli
Dahil may lihim siyang ikinukubli
Iyon ang kanilang ugnayan
Ni Loria sa sikreteng pook sa kakahuyan
Sila’y palaging nakahahanap
Ng butas sa pagpapanggap
Ang palusot naman ni loria
Sa ina’y dumadalaw siya
Wala man lang nakahalata
Sa lihim na ugnayan ng dalawa.
-06/17/12
(Dumarao)
160.
Siboloria 7: Diwata ng Lupa
Gaano man nila kaingat itago
Ang kanilang lihim na pagtatagpo
Walang nakaligtas sa kanila
Sa isang nilalang na mahiwaga
Kanilang saksi si Diwatang Bulawan
May mata ang lupa – ayon sa kasabihan
Nagpakita siya sa magkasintahan
Isang linggo bago ang kasalan
Sila ay binalaan
Sa maaaring kapahamakan
Ngunit siya rin ay nangako
Na tutulungan ang mga ito
Iyon ay kung malalampasan
Ang mga pagsubok na pagdaraanan.
-06/18/12
(Dumarao)
161.
Siboloria 8: Unang pagsubok
Anim na araw bago ang kasalan
Muling nagkita ang magkasintahan
Kasama nila ang Diwata ng Lupa
Sa pook na itinalaga
Unang pagsubok sa prinsipe
Tanggalin lahat ng mga kabute
Kanya itong kinayang mag-isa
Gamit ang matalim na espada
Mula umaga hanggang hapon
Oras at lakas niya’y itinuon
Habang si Loria’y tagapunas-pawis
At tagapa-inom sa prinsipeng pagod na labis
Sa wakas sa paglubog ng araw
Naubos lahat ‘di man nagpugnaw.
-06/18/12
(Dumarao)
162.
Siboloria 9: ikalawang Pagsubok
Limang araw bago ang kasalan
Sa umaga’y umulan ang kalangitan
Sina Sibo at Loria’y nagkita
Kasama ang Diwata ng Lupa
May ikalawa pang pagsubok
Na sa alipin naman nakatutok
Sisidlan ay sa kanya iniabot
Tubig dito’y ibubukot
Subalit ang lahat ng iyon
Magmumula lamang sa mga dahon
Kaya buong umaga’y nagtiyaga
Ang alipin na punuin ang botelya
‘Di umabot ang tanghali
Sa paghamon siya’y nagwagi.
-06/19/12
(Dumarao)
163.
Siboloria 10: Ikatlong Pagsubok
Apat na araw bago ang kasalan
Pagsubok sabay sa magkasintahan
Kailangan nilang manghuli
Ng mahiwagang bubuli
Ito ay may mga kulay na mapusyaw
At may pakpak na parang sa langaw
‘Di pangkaraniwan ang haba
Pinagsamang tatlong buwaya
Ito ay malayang pagala-gala
Sa kagubatang kinaroroonan nila
Kumakain lamang ng buko
Mailap at takot sa tao
Ngunit takip-silim na’y dumaan
Hindi man lamang namataan.
-06/19/12
(Dumarao)
164.
Siboloria 11: Pagdakip
Ang Diwata ng Lupa’y naglaho
Bigla naming sumulpot mga kawal ng palasyo
Naku! Lagot na
Huli ang dalawa
Noon pa pala minamanmanan
Ang galaw ng magkasintahan
Ito na ang tamang tiyempo
Upang dakpin ang mga ito
Sila’y iniharap sa hari’t reyna
Ipinagtanggol ng binata ang iniibig na dalaga
Ngunit anumang gawin nilang pagtatakipan
Sa kanila’y may nakaatang na kaparusahan
Sa ikatlong araw bago ang kasalan
Nagimbal ang bidang magkasintahan.
-06/20/12
(Dumarao)
165.
Siboloria 12: kaparusahan
Bilang kaparusahan
Sa kanilang kapalaluhan
Ang prinsipe’y bantay-sarado
Sa mga kawal ng palasyo
Hindi niya tinulutan
Na lumabas sa silid-tulugan
Si Sibo’y ikinulong
Na animo’y mandarambong
Samantalang ang kawawang alipin
‘Di na sa palasyo papapasukin
Mula sa kawanihan
Ng mga tagapaglingkod at utusan
Si Loria’y itinaboy
At naging palaboy.
-06/20/12
(Dumarao)
166.
Siboloria 13: Pagtakas
Dumating na ang bisperas ng kasalan
Abalang-abala ang buong kaharian
Gayundin ang mga kawal na nagbabantay
Sa prinsipeng hina na parang lantang gulay
Buong araw nakatalukbong ng kumot
Ayaw kumain, sa lahat nayayamot
Sa parang bata na may sumpong
Nakaantabay ang nilalang na buhong
Sa may tsimeneya
‘Di ramdam, ‘di amoy, ‘di rinig, ‘di kita
Lumitaw, lumubog ang buwan
Pagising ng lahat kinabukasan
Wala na ang prinsipe! Wala na!
Walang nakapansin! naglahong parang bula!
-06/21/12
(Dumarao)
167.
Siboloria 14: Ang Alamat ng Unang Lahi sa Gintong Lupa
Bago magbukang-liwayway ay nilamon
Ng bubuli ang prinsipe bago bumangon
Kumaripas sa kagubatan
Iniluwa’t muling nagkita ang magkasintahan
Naroon din ang Diwata ng Lupa
Mga kabute’t tubig ay dala
Pagkain at inumin isusuhay
Sa mahiwagang bubuli isasakay
Sa ‘di kalayuan ay umugong
Mula sa palasyo ang budyong
Pinaulan ni Bulawan ng buhangin ang kagubatan
Upang pabagalin mga kalaban
Tungo sa Gintong Lupa!
Unang lahi ng mga tao roon – kina Sibo at Loria!
-06/21/12
(Dumarao)
168.
Daragus 1: Si Dara
Isang prinsesang bawal yumapak sa lupa
Siya ang binukot na si Dara
Ang kanyang edad ay labimpitong taong gulang
Natatanging anak ng mga magulang
Matuwid at makintab ang maitim na buhok
Mana sa amang hari na mapusok
Maputi at makinis ang balat
Mana sa inang reyna na medaling magulat
Tapang at nerbiyos sa dugo nananalaytay
Matapang sa buhay, natatakot mamatay
Sukdulan sa proteksiyon at pagka-sensitibo
Kaya ‘di pa nakalalabas ng kwarto
Subalit mayroon din naman siyang libangan
Kumanta at manood ng mga mangingisda sa durungawan.
-06/22/12
(Dumarao)
169.
Daragus 2: Si Agus
Isang hamak na mangingisda
Itong si Agus na makisig at masigla
Mga magulang niya’y kaytagal ngang payapa
Kaya natutong mamuhay mag-isa
Gamit mga gawang-kamay nito –
Lambat, sibat, pannggaid at isang baroto
Sa ‘di pangkaraniwang palad ay kasinggulang niya
Ang natatanging prinsesa ng bayan nila
Lingid sa kanyang kaalaman
Si Dara ay lagi siyang pinagmamasdan
Halinang-halina sa binatang kaygwapo
Dagdag pa ang katawang matipuno
Minsan naring natikman ng dalaga
Ang mga huling lamang-dagat ng binata.
-06/22/12
(Dumarao)
170.
Daragus 3: Kaarawan ng Binukot
Ikalabinwalong kaarawan na
Ng binukot na prinsesa
Ang pagiging dalaga niya’y ganap
Isang prinsipe ang ihahanap
Panahon na upang lumabas sa palasyo
Humarap sa mga mamamayan at mga dayo
Ngayong nasa harapan na ng madla
Ipakikilala sari-saring mga binata
Tangan ang mga regalo
Sa prinsesang sinusuyo
At pagtunog ng mga tambol at plawta
Si Dara’y makikisayaw na
Sa mga lalaking napupusuan
Na sa mga pagsubok idadaan.
-06/23/12
(Dumarao)
171.
Daragus 4: Unang Pagsubok sa Magiging Prinsipe
Ang unang pagsubok ay paligsahan
Na susubok sa lakas at katatagan
Inihanda na ng mga binata
Ang mga katawan nila
Nagbalu-baluktot, nagbanat-banat
Nag-imbay-imbay, nag-inat-inat
Kapagdaka’y ipinagitna sa kanila
Ang isang kahoy na lamesa
Inilapag nila rito
Ang kanilang ga braso
Para sa pagbubunuan
Ng mga kalamnan
Sa huli’y si Agus ang kinilala
Bilang pinakamalakas na binata.
-06/23/12
(Dumarao)
172.
My 29th Leaf
Picked thee head level
From bamboo bundle
Beside eight of us
It’s sort of wild grass
Behold this “Chinese Bamboo”!
As Ante Bing said
Bu them it’s planted
Capuso fam’ly
The owner of thee
I’m with 6 batchmates
Twenty third of June
Sky’s speaking a rune
Nimbus were coming
Was about raining
About three P.M.
Beside a dam deep
Wherein no one should creep
It is an upland
Metres from farmland
In Aglalana
Tolada active
For month elusive
But need not be tired
If moment inspired
Batchmates rebonding.
-06/23/12
*My Toladas collection
(Dumarao)
173.
Ikalawang Pagsubok sa Magiging Prinsipe
Ang ikalawang pagsubok ay pabilisan
Ng paglangoy mula dalampasigan
Ang mga lalaki na walo
Kailangang makuha ang bandilang ginto
Na nakatayo ng mga metrong labindalawa
Mula sa buhanging kinatatayuan nila
Mga banderang sa tubig nakalitaw
Na parang sa bangka’y mga paraw
Nakatusok ang patpat sa buhangin
Na mga paa’y aabot rin
Pangatlo si Agus na nakakuha
Malapit na sa dalampasigan ang una
Subalit kanyang ibinuhos lahat ng lakas
Naging pinakamabilis at nauna si Agus sa wakas.
-06/24/12
(Dumarao)
174.
Daragus 6: Ikatlong Pagsubok sa Magiging Prinsipe
Ang ikatlong pagsubok ay palamangan
Ng mga lamang-dagat na pahulihan
Paramihan sa tingin
Pabigatan sa timbangin
Ito ang pagsubok na itinadhana
Para sa magiging prinsipe sa tuwina
Sinasabing diwata’y tumutulong
Sa sinumang may pinakamaraming naikukulong
Sa kanilang lambat na inilalatag
Sa mga alon na sa dagat papag
Magsisimula ang hamon kapag umaga’y lumitaw
Magtatapos sa paglubog ng araw
Nang sabay-sabay bumalik ang tatlong lalaki
Si Agus ang may pinakamarami at mabigat na huli.
-06/24/12
(Dumarao)
175.
Daragus 7: Panibugho ng Talunan
Mula sa hanay
Ng sa mga pagsubok nagtagumpay
Pinili ang nangunguna
Sa palakasan, pabilisan at pangingisda
Bilang prinsipe ng bayan
Prinsesa’y pakakasalan
Si Agus wala nang iba
Ang hinirang na prinsipe ng bayan nila
Ngunit hindi ito natanggap
Ng pumangalawang humagilap
Sa parehong pangarap na matayog
Na sa sikmura’y bubusog
Anong pait sa pumangalawa
Ang ‘di mapanalunan ang prinsesa.
-06/25/12
(Dumarao)
176.
Daragus 8: Maitim na Plano
Dahil sa masidhing panibugho
Ng pumangalawang natalo
Kung anu-anong balak na mabagsik
Ang sa isip isiniksik
Buong loob isasakatuparan
Ang kalapastanganan
Isang gabing marilim
Baon ay patalim
Nagtungo sa prinsipeng nagpapahangin
Sa may bandang baybayin
Kanila itong nilapitan
Tinutok patalim sa lalamunan
Ibinangka at ibinalot sa lambat
Siniklot at inihulog sa dagat.
-06/25/12
(Dumarao
177.
Daragus 9: Diwata sa Tubig
Unti-unti si Agus ng tubig lamunin
Dahan-dahang lumayo Bangka ng mga salarin
Ang prinsipe’y gupung-gupo
Wala nang pag-asa sa saklolo
Pilit mang kumawala sa pagkabuhol
Hindi makapalag sa himulmol
Anon’g klaseng hilahil?
Pagkalunod hindi pigil!
Subalit bago pa man malagutan ng hininga
May umagap na isang himala
Sa prinsipeng nalulunod, may nilalang na yumapos
Kaagad siyang pinawalan sa pagkakagapos
Binuhayan mga luoy na bisig
Nitong bayaning Diwata ng Tubig.
-06/26/12
(Dumarao)
178.
Daragus 10: Ang Pagbabalik ni Agus
Pagbalik ng mga salaring namangka
Mga kawal sumalubong sa kanila
Sila ay agad inusisa
Kung prinsipe nakita nila
Sila’y kalalayag mula ibang isla ang sabi
Pagkakita sa prinsipe’y tuwirang itinanggi
Subalit maya-maya’y may lumitaw na lalaki
At lubos nagulat ang mga nagkubli
Si Agus ay lalaki sa kanilang likuran
Sumigaw ito na dakpin ang mga iyan
Nagtangkang umiwas ang mga nagulalas
Nang maigapos, nagpumilit pumiglas
Matinding kaparusahan ang haharapin
Ng nahuling mga salarin.
-06/26/12
(Dumarao)
179.
Daragus 11: Kaparusahan sa Pangahas
Sa gabi ng kapalaluhan
Mga salarin isinilid sa kulungan
Pinahirapan at inusisa
Kung bakit nila iyon ginawa
Ang sabi ng dalawa
Napag-utusan lamang sila
Ang utak kanilang ikinumpisal
Iyon ay ang talunang karibal
Sa katatapos na paligsahan
Para sa prinsesang pakakasalan
Pagkaraan ng tatlong araw
Mundo ng mga salarin nagunaw
Sila’y pinugutan ng ulo
Mga kaanak nanlumo.
-06/27/12
(Dumarao)
180.
Daragus 12: Paghihiganti ng Ina
Ang ina ng pangunahing salarin
Mangkukulam na maramdamin
Sa tindi ng kalungkutan
Paghihiganti’y kagustuhan
Mga mamamayan siya’y minura
Tinagurian pa siyang kasumpa-sumpa
Galit at lungkot
Pighati at poot
Isang gabing may sigwa
Katakut-takot na delubyo tinawag niya
Tubig, hangin, buhangin magkasahog
Dumaluhong sa baying ilulubog
At paggising ng bayan kinabukasan
Tumambad kalunus-lunos na kasiraan.
-06/27/12
(Dumarao)
181.
Daragus 13: Ang Paglaho ng Magkasintahan
Nawasak ang kawayang palasyo
Kayraming nagkandamatay na mga tao
O anong salot na mabalasik
Ng mangkukulam na naghasik
Buong gabing dagundong
Ng mga higanteng lagunlong
Katakut-takot sa pandinig
Sa dibdib lakas kabig
Kinabukasan ng umaga
Halos lahat naulila
Maging ang hari’t reyna
Nawalan ng prinsipe’t prinsesa
Oo, nawawala sina Agus at Dara
Lumipas mga araw ‘di sila nakita.
-06/28/12
(Dumarao)
182.
Daragus 14: Ang Alamat ng Ikalawang Lahi sa Gintong Lupa
Lingid sa kaalaman ng lahat
Sa katotohanan sila ay sinalat
Sapagkat ang kanilang prinsesa
At hinirang na prinsipe sa tuwina
Ay ‘di naman tuluyang naglaho
Sila lang naman ay napalayo
Tulad nina Sibo at Loria
Mahiwagang bubuli nilamon sila
Buhay pa naman
Itong magkasintahan
Pagdating ng mahiwagang nilalang
Sa lupaing takdang hirang
Sila ay iniluwa
Sa Gintong Lupa.
-06/28/12
(Dumarao)
183.
Ihipna 1: Ang Saranggola ng Diwata
Ang saranggola ng diwata
Parang ibon sa mga mata
Animo’y walang pisi
Malayang lumipad ganiri
Katawan ay talulot
Pakpak ay buntot
Subalit sa malayong paningin
Ay parang ibon parin
Paika-ika kung tumawid
Sa mga ulap ng himpapawid
Maya-maya’y tagibang
Sa pagsulong nakaabang
Sa kisap-mata’y sasalibad
Gayunpaman sa lupa’y antad.
-07/07/12
184.
Ihipna 2: Tirador ni Ihib
Ang binatang si Ihib
Na matibay ang dibdib
Laging umaakyat sa bundok
Ilang beses na sa tuktok
Tirador ay bitbit
Kasama ng mga batong malupit
Na sa ibon iaasinta
Upang madakip sa tuwina
Mga bato’y umiimbulog
Sa ibong ihuhulog
Sa sanga ng bayabas
Higpit ang gomang pang-utas
Kasamang matimtiman
Nagtungo saanman.
-07/07/12
(Dumarao)
185.
My Country Hates Me
Once I called myself “Illuminati”
Of the god attendant “Annunaki”
Whence I said “stupid majority”
To the fellowmen of my country
For once I considered me a decoy
Of someone high who can employ
A major disturbance against P-Noy
Just like playing cards for toy
Ungrateful, unthankful – they labeled me
Parables laden to rebuke discreetly
As the said majority surrounds me
Drained I all of temerity
Mine – four months of transgression
Theirs – eighteen months of retribution
Forlorn me to concise perdition
Hear my call of reconciliation!
Now this moment of abeyance & disconnectivity
I can feel how my country hates me
Watching the extent of my stupidity
Eat & sleep idly to eternity? !
-07/07/12
(Dumarao)
*My Dark Poems collection
186.
Ihipna 3: Pana ni Pina
Ang dalagang si Pina
Maliliksi’t abenturosa
Mahilig magtungo
Sa bundok pinakaulo
Tanging pana ang tangan
Mga palaso kasamahan
Sa ibon iduduro
Makabasag-bungo
Dali-daling sasaluhin
Ang ibong kukunin
Kaytibay na goma
Nakakapit sa narra
Ang pana ni Pina ay iyon
Dala niya saanman pumaroon.
-07/08/12
(Dumarao)
187.
Ihipna 4: Pagtatagpo
Isang araw na itinadhana
Nagtagpo si Ihib at si Pina
Nang sila’y pumaroon
Sa dalisdis ng bundok na iyon
Ang binata’y sa silangan
Ang dalaga’y sa kanluran
Inihanda ni lalaki ang bato
Inihasa ng babae ang palaso
Sabay nilang pinalipad
Sa inakalang ibong napadpad
At pagbulusok ng saranggola
Sa kinabagsakan nito’y dali-dali sila
Iyon ang unang pagkikta
Nina Ihib at Pina.
-07/08/12
(Dumarao)
188.
Ihipna 5: Sa Tuktok ng Bundok
Sa pook kung saan sila unang nagkita
Pag-ibig ang nadama sa isa’t isa
Sa araw na iyon parang ayaw mawalay
Mangyari man ay malulumbay
Oh anong saya ang nasa puso
Kagalakan sa damdamin ay puno
Nag-uumapaw na kaligayahan
Hindi maipaliwanag ninuman
Makikita sa mga mata
Ang taos-pusong pagsinta
Nang magkadaupang-palad
Animo’y ayaw nang umigtad
Mga hibla ng pagsinta’y saginsin
Ang muli pang magkita’y kanilang hangarin.
-07/09/12
(Dumarao)
189.
Ihipna 6: Mangkukulam ng Silangan
Subalit ang binata
Ikakasal nap ala
Sa babaeng taga-Silangan
Lugar na kanyang tinitirahan
Ang hindi lang niya alam
Dalaga’y isang mangkukulam
Kaya isang araw nang malaman
Na sa iba nag puso nakalaan
Hinanap ang karibal na babae
At kinulam ire
Katakut-takot na mga pantal
Ang kay Pina bumalabal
Mahal parin siya ni Ihib gayunpaman
Maging anuman ang kaanyuan.
-07/09/12
(Dumarao)
190.
Ihipna 7: Halimaw ng Kanluran
Samantalang si Pina
Nakatali narin pala
Sa isang binata na malaki
May lahing halimaw kasi
Iyon ay lingid sa kaalaman
Ng dalagang kasintahan
Kaya isang araw nang mapagtanto
Ng binata ang itinatago
Na lihim ni Pina
Tungkol sa ka-irog niya
Nagwala ang halimaw
Kay Ihib bumulahaw
Aga itong sumugod
Nang pagtatagpo’y mapanood.
-07/10/12
(Dumarao)
191.
Ihipna 8: Tulong ni Amihan
Sa mga sandaling iyon
Diwata ng Hangin pumaroon
Upang saklolohan
Ang ginugulongmagkasintahan
Kapangyarihan ng hangin itinaboy
Ang higanteng mukhang baboy
Na siyang nagpagulung-gulong
Pababa hanggang ‘di na dumaluhong
Oh anong ginhawa
Nang halimaw mapuksa na
At sa pag-ihip ng hangin kay Pina
Nawala narin mga pantal niya
Wagas na pasasalamat
Ang kay Amihan ipinantapat.
-07/10/12
(Dumarao)
192.
Elegy for our King of Comedy
Surely, this one of saddest elegy
Of this our noble, plain country
O’er the death ofour King of Comedy
Oh, my painful farewell, Tito Dolphy
Why did you leave us his so early?
For a great man like thee – early is eighty three
We’re one before with idol Manny V.
Alsoalong to P-Noy sorry
But yours alone the grandest trophy
Kevin Cosme, bye bye family tree
Markova, sayonara honorable tsupee
Fr. Jejemon, mi ultimo adios to thee
Hahaha! Hehehe! Hihihi!
This thy dearest legacy
Shall not forsake the memory
Philippine media’s joyful mystery
Glorious accolades to eternity
Hope in heaven you again we see
In this hour of our nation’s melancholy
May now God’s angels hug thee tightly
Thank you for making Philippines happy.
-07/10 to 07/15/12
(Dumarao)
*My Dark Poems collection
193.
Ihipna 9: Pagsubok sa Binata
Ngayong nalampasan na ang mga kaaway
Susubukin kung pag-ibig gaano katibay
Una ay sa binata
May pagsubok na nakahanda
Kailangan niyang awitan
Ng madamdamin ang kasintahan
Siya’y nagdala ng plawta
Pinatugtog ng mga bibig niya
Ang ikalawa naman
Ay kargahin si Pina ng matagalan
Umabot sa isang oras
Diwata ay nagilalas
Sa gayong mga paraan
Nakuha niya na ang kasintahan.
-07/11/12
(Dumarao)
194.
Ihipna 10: Pagsubok sa Dalaga
Ngayon ay para sa dalaga
May dalawang pagsubok ang nakahanda
Una ay magtungo sa Silangan
Kay lalaki na tahanan
Upang doon gawin
Ang pagsubok na hinain
Iyon ay ang ipagluto si lalaki
Ng pagkain na marami
Maging mga magulang ng binata
Nasarapan sa mga niluto niya
Ang ikalawa naman ay ipaglaba
Ng damit ang sinisinta
Kaydali niya itong natapos
May linis at bangong tumatagos.
-07/11/12
(Dumarao)
195.
Ihipna 11: Ang Alamat ng Ikatlong Lahi sa Gintong Lupa
Nang mga pagsubok nalagpasan na
Inanunsyo ng Diwata ang pagkasal sa dalawa
Sinang-ayunan naman iyon
Ng magkabilang nayon
Mga ligaw na itik panghanda ng Silangan
Mga paniki naman sa Kanluran
Isang kasalan na kakaiba
Puspos ng biyaya, ballot ng hiwaga
Sapagkat naroon din mga mahiwagang panauhin
Si Amihan at iba pang diwatang kasamahan din
Malaking piging mula magkabilang sulok
Idinaraos sabay sa tuktok ng bundok
Sa araw ding iyon, ipinagpaalam sila
Na dadalhin ni Amihan sa gintong Lupa.
-07/12/12
(Dumarao)
196.
Alabir 1: Ang Mag-uuling
Ang mag-uuling na si Alyna
Bahid man ng itim, kutis sutla
Ipinaglihi sa labanos itong binibini
Kaya ang balat ay napakaputi
Subalit mukhang hindi bagay
Kung saan siya nakalagay
Araw-araw nagsisiga
Ng mga kahoy at sanga
Nagbabagang kahoy hinihintay
Na ang apoy ay mamatay
Iyon ang tanging kabuhayan
Nitong dalaga ng silangan
Tuwing dapit-hapon
Mga uling pinupunpon.
-07/18/12
(Dumarao)
197.
Alabir 2: Ang Panday
Ang panday na si Birio
Ang natatanging iho
Mula sa pmilyang gumagawa
Ng mga punyal at espada
Bilang kaisa-isang anak na lalaki
Maagang tinuruan ng gawaing pang-malaki
At sa paglipas ng panahon
Siya’y nagging bihasa sa nayon
Kung may magpapagawa ng itak o espada
Lumalapit lamang sa kanya
Itong si Biriong kay-agang natutunan
Ang pamamanday sa kanluran
Sa pamilya ni Alyna bumabaling
Tuwing kinakailangan ang uling.
-07/15/12
(Dumarao)
198.
Alabir 3: Ang Halimaw ng Gubat
Kaylapit nang gumabi
Si Alyna ay pauwi
Tangan sa kamay niyang pareho
Mga uling sa sako
Tila pagdilim ng langit kaybilis
At ang babae’y nakarinig ng bungisngis
At sumambulat sa daraanan niya
Isang tiktik na nakatawa
Akma siyang dadaluhongin
Upang siya ay kainin
Mabuti nalang at sa ‘di kalayuan
Binatang si Birio sila’y sinulyapan
Kaagad siyang sumaklolo
Tiktik ay itinaboy palayo.
-07/16/12
(Dumarao)
199.
Alabir 4: Pag-iibigan
Mula takipsilim ng kabayanihan
Sina Alyna’t Birio’y nagkagustuhan
Lumipas ang mga araw at nagkakilala pa
Nang lubusan ang dalawa
Loob mas lalong napalapit
Tulad ng mga tinginang malagkit
Ang dalaga na ang naghatid mismo
Nang mga uling sa bahay nina Birio
Binigyan si Alyna ng pulseras
Gawang hikaw, singsing at kuwintas
Pag-ibig naglulubos umapaw
Kasalan na ang tinatanaw
Ng mga kaanak ng magkasintahan
Madali ring nasang-ayunan.
-07/16/12
(Dumarao)
200.
Alabir 5: Sa Gitna ng Kagubatan
Doon sa may pusod ng kagubatan
Kung saan una silang nagkakilanlan
Pumapalagi ang magsing-irog
Tuwing palubog ang araw na bilog
Sapagkat iyon din ang tuktok ng bundok
Kaya kita lahat ng sulok
Doon sila palaging nagkukwentuhan
Ng kanya-kanyang mga karanasan
Nireregaluhan ng lalaki linggu-linggo
Ang natatanging kasintahan nito
Lubos-ligaya ang dalaga
Kaya ‘di rin napatitingin pa sa iba
Pareho silang unang beses umiibig
Sa sintang lubos na kinakabig.
-07/17/12
(Dumarao)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem