Pugad Ng Pag Ibig Poem by Jesus Diaz Llorico

Pugad Ng Pag Ibig

'Habang nakahiga sa lalim nitong gabi
Nakatingin sa oras at nagmumuni muni
Naiisip mga bundok at maraming puno
Isang lugar na gustong maialay sa iyo

Kaya mula umaga at hanggang gabi
Ang puso sa mahal na poon nagsasabi
Sana mabigyan ng pakpak at makalipad
Para ika'y madala sa isang pugad

Mga puno ay tanaw at balot ng kasiyahan
Mga halamang nakakawala ng kalungkutan
Na wari'y lumulutang sa tubig ng buhay
Isang kapaligiran na wagas at tunay

Ang ating kwentuhan ay idadaan sa tula
At ibabalik ang magagandang gunita
Mga yapak na hindi na natin makikita
At hanging' hindi na babalik at nawala na

Ang kapatagan ay madidiligan ng ulan
At hawak kamay na tayo ay maambunan
Sa pugad na magtatagal ang kwentuhan
Hanggang sa maglaho ang sinag ng buwan.'

Friday, August 22, 2014
Topic(s) of this poem: love and art
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success