Isa, dalawa, tatlo
Ang sinumang
Sa pintuang ito
Matanda o bata
Binabalaan ko
Isa, dalawa, takbo
Tumako na palayo
Nariyan na ako
Handa ka na ba?
O hindi pa?
Nakatalikod, nakaharap
Nakaupo, nakatayo
Huwag nang magpakasarap
Hagulhul na sa pagtakbo
Isa, dalawa, tatlo
Nariyan na ako
Sa likod mo nakaabang
Hahabulin kita ng sundang!
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
Matanda o bata, Isa dalawa takbo, tumako na palayo.....Beautifully worded every line with heart touching essence. Beautiful poem.