Sadyang Mapanganib Poem by bonifacio alba

Sadyang Mapanganib

Ahas na gumagapang
Sa loob ng tahanan.
At nagbigay takot
Sa mga nakatantan.
Hindi sukat akalain,
Na sana sa damuhan
Ang kanyang lubluban.
Subalit sadyang mapanganib
Isip ng tao'y nagdaig
Na ang ahas na pumasok
Ay kailangan nang tapusin.
Ngunit may ahas na turingan,
Hindi naman gumagapang
Tuwid tingnan at magalang
Subalit sadyang mapanganib
Dahil may isip at kagagawan
Na mapagsamantala't ganid
Na sumaklaw sa kalamnam.
Simbolo nga ang ahas...
Sa mga gawain kataksilan
Ito'y nagsimula pa noon
Sa buhay ni Eva at Adan.
Ito ay naging palaisipan
Na sa bawat tingin ng ahas
Dulot nito ay kasamaan.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success