Sulat Mula Sa Nakaraan Poem by Kenmari Goze

Sulat Mula Sa Nakaraan

Sa tuwing inaaway mo ako,
wala akong magawa kungdi ang umiyak
sa isang sulok yakap ang matapat kong unan..

Wala naman akong magawa
dahil galit sa akin yung taong dapat kapalit ng unan ko..
Ayaw ko na sanang maawa sa sarili ko,
pero hindi ko maiwasan..
Isang tao na lang kasi yung inaasahan ko,
pero pati sya hindi na naniniwala sa akin..

Ang gusto ko lang naman ay mahalin ako..
Tanggapin kung sino ako,
at alalayan sa kung anong nangyayari sa akin..
Sabagay sino ba namang magmamahal sa
babaeng walang direksyon ang buhay? ..

Humingi ako ng tulong para tulungan mo akong magbago,
hindi ko sinabing baguhin mo ako! ..
Hindi tayo pareho,
at inaamin ko na marami tayong pag-kakaiba..
Pero sapat ba yun? ..

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success