Kung balak mo kong saktan,
baka pwedeng galingan,
madami nakong karanasan.
di mo na kailangang magdahilan.
nasaktan na ko at nainlab
niloko at binackstab
pinagpalit at pinaglaruan
binalewala at iniwan
Nadala na ko sa mga kagaya mo
mga paasa lang naman
sa simula masaya tayo
pag nagsawa, di na maramdaman
Bihasa na ko sa taguan,
Taguan ng nararamdaman.
Puso'y minanhid ng karahasan
Maling tao ang naging laman
Alam kong laro lang to sayo
Di mo naman talaga ko gusto
alam ko ang tama at wasto
pero bat nagseryoso padin ako
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem