Bawat tao na sa mundo'y namuhay
Ang ninanasa ay ang pagtatagumpay
'pagkat tagumpay ang siyang naging daan
Patungo sa tunay na kaligayahan
Ang tagumpay ay bunga ng mga pagsisikap
ng pagtitiis at pagpakahirap
Tagumpay ay siyang tunay na pangarap
upang tunay na kaligayahan ay siyang malalasap
Anong ligaya kung ika'y natagumpay
Sa pag-ibig man o kaya'y sa pag-aaral
Sa pagtatapos mo sayong pag-aaral
sa buhay mo ito'y nagsilbing parangal
Ligaya naman sa bawat taong umiibig
kung ang iniibig mo'y sayo rin iibig
Dito masasabing ika'y nagtatagumpay
Tagumpay na iyong ninanasa sa buhay
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem